MALYETE
Kapayapaan...Pagkakaisa tanging sigaw ng bayan. Isang pagbubuklod na hina-
hangad ng sinuman. Ilan sa layunin na kung daraan ay pahapyaw man lamang.
Tanawin natin ang muling pagsikat ng araw. Abutin natin ang tala ng kapayapaan. Kamtin ang bahagharing noon pa'y pinagmamasdan at pinapangarap lamang.
Sumabay sa agos ng kapayapaan at katahimikan na kay sarap tamuhin maging sa huling hininga.
Panaghoy ng pagtangis, alingawngaw ng putukan at mga boses na paus na paos na sa kasisigaw ng kapayapaang matagal na ipinagkait ng tadhana.
Baon sa dibdib na mga bombahan. Mumunting boses ay di pinakinggan. Nagsusumamong mga anghel ay di pinatawad. Kumukulong sikmura ay di nilamanan.
Sanhi ng paghihimagsik ng rebeldeng grupo na Moro National Liberation Front
o (MNLF) ay maraming nadamay. Pati ang mga inosente ay pinaglamayan na.
Mga taong pantay na ang paa at naliligo pa sa sariling dugo.
Kaya isang tanong ang tumusok sa aking damdamin.
Pilipino laban sa Pilipino?
Magkakulay laban sa magkakulay?
Ito na ba ang bagong imahe ng ating bansa?
Di natin namalayan na 22 na araw na dusa, pasakit at hinagpis ang ating nalagpasan. Sana nga ay tuluy-tuloy na ang kapayapaan.
Pagkakaisa yan' ang tunay na kapayapaan. Isang walang hanggang paghiyaw ang aking ikakampanya.
Sariwa pa sa aking murang isipan nang minsan ay nasilayan kong tumangis ang ating mga kababayan. Puspos ng awa ang aking nadama. Sandaling kumurot ito sa aking malambot na puso.
Ipinangako ko sa aking bayan na muli kong itatayo ang bandilang minsan nang bumulusok at nadapa.
Buong puso kong aawtin ang Lupang Hinirang. Muli kong aakayin ang aking mga kababayan na nalugmok sa putikan.
Muli kong ipipinta ang puti, dilaw, asul at pula na kahanay sa watawat na naglipas na.
Taas noo kong ipagmamalaki ang lupang aking kinakanlungan at lupalop kung saan ako babawian ng hininga.
Itaas ko ang bantayog ng tatak Pilipino.
Langit ang pangarap ko sa aking bansa.
Ibagsak natin ang malyete bilang hudyat na tapos na ang naghihikaos na giyera.
Sabay-sabay nating kitilin ang madugong bakbakan.
#
No comments:
Post a Comment